[ s c r e a m ]

Is that good or bad? Why’d you just scream? What the?

can’t believe I’m done!!! I’m actually done!!!

Warning: Another thesis rant ahead. Read at your own risk. Oh, and by the way, most of it is in Tagalog…

Nasanay akong ako ang laging nauuna sa mini-thesis delibs at proposal delibs, kaya di ko inaasahang maging #18 sa listahan. And here I was wishing na mauna na ko, para tapos na.

Di ko narin halos maalala ang mga nangyari. Ang tangi kong naalala nag buo ay ang nakakaaliw na pag-deliver ni Carlito ng kanyang trabaho sa mga panelista. Hindi ko pa kbuo sa isip ang talagang pinagsasabi niya.

Maraming magagaling. Gusto ko mang isipin na isa ako dun– di ako makapagsinungaling. Hindi talaga. Sapat na sakin na makapasa ako ngayon, at okay naman ang naipasa kong thesis sa kanila. Hindi ako umaasang maging best thesis, dahil talagang may mas magaganda, mas magagaling at mas ‘innovative’ kaysa sa akin…

Baka sabihin nyong inferority complex lang to, pero totoo naman. Napakasimple ng trabaho ko kung ikukumpara sa kanila…

Tungkol sa defense…

Dahil nga di ako sanay na malapit na sa hulihan, hindi ko maalala ang tamang pag-arte sa pagdepensa. Naalala ko naman ang mga linya ko at kailangan kong sabihin, pero kailangan ko kasing dagdagan. Pero walang kaso dun. Ang kaso ay ang pagsagot ko na sa mga tanong.

Sa katunayan, di ko maalala ang mga sinagot ko at kung paano ko sumagot. Ang naaala ko lang ay ang mga tanong. Shifts of blur ba…

Nung nagtanong naman ako sa mga nanood kung okay lang, iba-iba sagot nila…

“Okay naman! Nasagot mo naman.”

“Okay!”

“Di mo naubos ang oras mo.”

“Naging defensive ka masyado…”

Feeling ko totoo yung nasabing huli. Madalas, si ‘Heather’ ang lumalabas para magsalita para sa kin. Siya kasi ang magaling don. Magaling sa PR at arte at charm para madala ang kausap. Pero apparently… di siya and lumabas kahapon.

Defensive, parang bata… Si Hoto and lumabas…^

Siguro nga, schizo na ko. Sisihin daw ba ang mga nangyari sa isang parte ng sarili na wala naman talaga doon. O wala nga ba?

Di ko tuloy alam, kung nakabuti o nakasama ang nangyari. Isa lang ang tangi kong masasabi–

Tapos na ang pinakamalaking ‘ordeal.’ Ang papeles na lang…

Salamat na lang sa Diyos at nakalabas pa ako ng buhay…

 

I'm sorry. I hope you understand that I can't take comments right now.